Home » Pinoy Jokes

Family Jokes: Relatives, Mom, Dad and kids!

15 November 2008 No CommentEmail This Post Email This Post

Nasa Amerika na daw!

Napansin nung Tiyo na yung kaniyang pamangkin na bagong salta sa America ay umiiyak sa tabi ng kaniyang nakatumbang bisikleta sa tabing daan. Tanong tuloy nung Tiyo, “Hijo, bakit ka umiiyak?”

Sagot nung pamangkin, “Angkol, Angkol…” Madaling kinorek nung Tiyo yung kaniyang pamangkin, “Hijo, ikaw ay nasa America na. Hindi Angkol… Angkel!”

Tinuloy nung pamangkin yung kaniyang kwento, “Angkel, Angkel, I rode my Bysikol…” Madali muling kinorek nung Tiyo yung kaniyang pamangkin, “Hijo, nasa America ka na. hindi Bysikol ang tawag diyan… Bysikel”.

Muling tinuloy nung pamangkin yung kaniyang kwento, “Angkel, Angkel, I rode my Bysikel to buy some Papsikol…” Madali na namang kinorek nung Tiyo, “Hijo, hindi Papsikol – Papsikel!”

Tinuloy ulit nung pamangkin yung kaniyang kwento, “Angkel, Angkel, I rode my Bysikel, to buy some Papsikel… en den I pel… now I heb a Bukel…”

____________

Letter “P”

Daughter: Mommy….. buy mo ako ng red ballpen.

Mother: Red ballpen!? Anhin mo ang red na ballpen? Ano ka Titser?

Daughter: Opo eh! Titser ako. Check ko un mga answers sa papel papel ko.

Mother: ah ok. Anak Kindly read this to mommy. And what letter is this? ( Mommy pointing the letter P )

Daughter: Mommy, I know naman that already. Wag mo na akong tanungin nyan. Kasi alam ko na yan eh……………

Mommy: (inis na si mommy) sige na anak read this….

Daughter: Ayaw….

Mommy: Sige na anak. What is this?

Daughter: Di ko yan read basta di mo ako buy red na ballpen.

Mommy: Sige na nga buy kita later. What letter is this?….Pointing the letter P again)

Daughter: Mommy oi, ang dali nyan…that is letter FE. (P)!.

Mommy: Na shock…..

Daughter : Sabi ko sau mommy eh, I know how to read that eh. Kaya wag mo na akong ask ha. ‘Galing si Yaya ko no!?. Sya turo sakin nyan.

Mommy: Ha!? Patay! YAYA………………………!

HAHAHAHAHA

____________

WARNING: PG-13

Tungkol sa Kulangot

Inusisa ni Totoy ang kanyang tatay.

Totoy: Bakit po masarap ang sex?
Tatay: Kasi, may kiliti o sensation iyon na katulad ng nararamdaman mo pag nangungulangot ka.

Totoy: Bakit po mas nasasarapan ang mga babae kaysa sa mga lalaki sa sex?
Tatay: Gaya ng nasabi ko, ang sex ay parang pangungulangot. Kapag nangungulangot ka, mas nag-e-enjoy ang iyong ilong kesa sa ang iyong daliri.

Totoy: Bakit ayaw po ng mga babae na ginagahasa sila?
Tatay: Iyang panggagahasa eh maihahalintulad sa naglalakad ka sa kalye,tapos, may lumapit sa iyo at kinalikot ang iyong ilong. Magugustuhan mo ba iyon?

Totoy: Bakit po ayaw ng mga babae na makipag-sex pag nireregla sila?
Tatay: Anak, kapag dinudugo ang ilong mo, nangungulangot ka ba?

Totoy: Bakit ayaw po ng mga lalaki na mag-condom kapag nakikipag-sex sila?
Tatay: Ikaw ba eh gusto mong mangulangot na may guwantes ka sa iyong daliri?

Totoy: Bakit po sa pribadong lugar ginagawa ang pakikipag-sex?
Tatay: Mangungulangot ka ba sa harapan ng buong klase mo?

____________

Mommy1: Ano ang pinapainum mo sa baby mo?
Mommy2: “promil” para sa matatag na
pangarap… eh ikaw?
Mommy1: “emperador” para sa totoong tagumpay!

____________

Lasinggerong Anak

An alcoholic son wrote a letter:
BEER dad,

GIN na ako iinom ulit, WHISKY kelan.
TANDUAY mo yan, tiTEQUILAN ko na!
pRHUMis po!

Your SAN,

MIGUEL

____________

AND Lastly, we leave you with another letter interesting letter of a mom to her child… We’ll let you judge if you she’s really daft or just playing funny! 😉

Anak,

Medyo mabagal akong magsulat ngayon dahil alam
kong mabagal ka ring magbasa. Nandito na kami sa
Estados Unidos para bantayan ang bagong biling bahay ng kapatid
mo. Pero hindi ko maibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating
nakatira ang address para daw hindi na sila magpalit ng address.

Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila.
Dalawang beses lang umulan sa linggong ito,
tatlong araw noong una at apat na araw noong pangalawa.

Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nun
nabili ko na shampoo dahil ayaw bumula.
Nakasulat kasi “FOR DRY HAIR” kaya hindi ko
binabasa ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay
ibabalik ko sa Walmart at magrereklamo ako.

Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa
bahay dahil ayaw bumukas ng padlock. Nakasulat kasi
ay “YALE”, eh aba namalat na ako sa kasisigaw ay hindi pa din
bumubukas. Magrereklamo din ako sa nagbenta ng bahay, akala nila hindi ko
alam na SIGAW ang tagalog ng “YALE”, wise yata ito!

Mayroon nga pala akong nabili na magandang
jacket at tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo
sa “Federal Express” medyo mahal daw dahil mabigat ang mga
butones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga
butones at inilagay ko na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang pag dating
diyan.

Nagpadala rin ako ng tseke para sa mga nasalanta
ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto ko na
maging anonymous donor. Nakakahiya naman kung
ipagkakalat ko pa.

Ang kapatid mo palang si Jhun ay may trabaho na
dito, mayroon siyang 500 na tao sa ilalim niya. Nag-
gugupit siya ngayon ng damo sa memorial park, okey naman ang
kita above minimum ang sahod.

Nakapanganak na rin pala ang ate baby mo, hindi
ko pa alam kung babae o lalake kaya hindi ko pa masasabi na kung
ikaw ay bagong uncle or auntie.
Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng madalas.

Love,
Mama

p.s. Maglalagay sana ako ng pera, kaya lang ay
naisara ko na ang envelope. Next time na lang ha..

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Be nice. Keep it clean. Stay on topic. No spam.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.

It's simple. ASK | Page copy protected against web site content infringement by Copyscape | We might say yes!
All rights reserved. 2008 | tataypepes.com | Concept by Jasmin Descalzo

Powered by WordPress | Entries (RSS) | Comments (RSS) | Arthemia theme by Michael Jubel