Home » Pinoy Jokes

Relationship Jokes

13 July 2008 No CommentEmail This Post Email This Post

Husband: may malaki akong problema.
Wife: wag mo sabihin problema MO lang, problema NATIN dahil nagmamahalan tayo. Ngayon ano problema natin?
Husband: nabuntis NATIN si inday at TAYO ang ama…

– 0 –

Gina: Halata na ang tiyan mo, bakit hindi pa kayo magpakasal ng boyfriend mo?
Katrina: Ayaw ng pamilya niya, eh!
Gina: Sino ang may ayaw, ang tatay o nanay niya?
Katrina: Iyung misis niya!

– 0 –

A couple placed an ad:
“Have 4 sons, need advice on how to get a daughter.”

Responded:
Yank: Keep trying!
Briton: Change doctor!
Aussie: Follow a special diet.
Indian: Practice Yoga!
Pinoy: LET ME TRY!

– 0 –

Husband: Parati na lang tayo away! Maghiwalay na lang tayo!
Wife: Sige, maghati tayo ng mga anak!
Husband: Akin ang mga guwapo at maganda!
Wife: Sus! Pinili pa yung hindi kanya!

– 0 –

Misis: Dir, bakit may black eyes ka?
Mister: Paakyat kasi ako sa eskaleytor sa megamall.
Napansin ko na naipit ‘yung mini-skirt ng babaing nasa  unahan ko sa pagitan ng kaniyang puwit. Ini-stretch ko.
Tapos, hinarap niya ako at sinuntok ako sa kaliwang mata.
Misis: Naiintindihan ko yon. Pero paano mo nakuha yung  black-eye mo sa kanang mata?
Mister: E kasi, akala ko gusto niyang nakaipit talaga yung palda niya, kaya ibinalik ko ulit.

– 0 –

MATANDANG MATRONA: Sa palagay mo, mahal, ilang taon na ako?
D.I. : Kung titignan kita ng sideview, 18 ka lang; kung nakatalikod 16 lang; kung nakaharap 22 lang. Bale total ay 56 sweetheart.

– 0 –

Warning: Morbid and Acerbic humor…

May isang Pilipinang nanay na namatay sa Amerika dahil sa heart attack. Pagdating nang bangkay sa Pilipinas ay napansin ng mga anak nito na ang mukha at katawan ng inay nila ay dikit na dikit na sa salamin ng kabaong. Sabi tuloy ng isa, “Ay tingnan mo yan, hindi sila marunong mag-asikaso ng patay sa Amerika”. Nang binuksan nila ang coffin, may napansin silang sulat sa ibabaw ng dibdib ng kanilang inay. Mula ito sa kanilang kapatid na bababe na nakatira sa Amerika. Dahan-dahang kinuha at nanginginig na binuksan ni Kuya ang sulat at binasa sa buong pamilya:

“Mahal Kong mga Kapatid,

Hayan na si Inay! Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang inay sa pag-uwi diyan sa Pilipinas sa dahilan na napakamahal ng pamasahe. Anyway, pinadala ko kasama ni inay ang:

– dalawampu’t apat na karne norte na nasa likod ni Inay. Maghati-hati na kayo.

– anim na bagong labas na Adidas Rubber shoes…isa suot-suot ni Inay… ang lima nasa ulunan ni Inay…isa-isa na kayo riyan.

– iba’t ibang klaseng tsokolate, nasa puwit ni Inay…yan na lang ang ipasalubong nyo dun sa mga taga-barangay natin…

– anim na Ralph Lauren na t-shirts suot-suot ni Inay…para sa iyo, Kuya, at isa-isa ang mga pamangkin ko.

– isang dosenang Wonderbra na gustong-gusto ninyo, mga kapatid ko, suot-suot din ni Inay. Maghati-hati na kayo riyan.

– dalawang dosenang Victoria Secret na panties na inaasam-asam ninyo, suot-suot din ni Inay. Maghati-hati na rin kayo, Ate.

– walong Dockers na pantalon suot-suot din ni Nanay. Subukan nyong ibenta dyan. Kapag mabili ay magpapadala pa ako.

– ang Rolex na hinahabilin mo, Kuya, eh suot-suot din ni Inay.

– ang hikaw, singsing at kuwintas na gustong-gusto mo, Ate, eh suot-suot din ni Inay. Kunin mo na.

Bahala na kayo kay Inay. Pamimisahan ko na lang siya dito. Balitaan niyo na lang ako pagkatapos ng libing.

Ang Nagmamahal ninyong kapatid,
Nene

P.S. “Pakibihisan na lang si Inay pagkatapos…”

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Be nice. Keep it clean. Stay on topic. No spam.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.

It's simple. ASK | Page copy protected against web site content infringement by Copyscape | We might say yes!
All rights reserved. 2008 | tataypepes.com | Concept by Jasmin Descalzo

Powered by WordPress | Entries (RSS) | Comments (RSS) | Arthemia theme by Michael Jubel