Home » poll, viral emails

What’s in a Name? Havaianas Vs. Spartan Flip flops

20 July 2008 One CommentEmail This Post Email This Post

Vs  

Written in Tagalog, the Philippine language; this piece is a satire comparing “Havaianas” to the good ole cheap local brand Spartan flipflops. How “Havaianas” has infiltrated the Philippines when it’s not even that popular in a first world country like the united states, we don’t know! (Sorry, we can’t translate because the meaning isn’t just the same when translated…)

Pangalan: Havaianas

Lugar na pinanggalingan: São Paulo , Brazil

Pagbigkas:
ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)
hah-vee-ah-naz (American English)
OMG! hah-va-yaH-naZz! (Filipino)

Materyal na ginamit: Malupit na goma (high-quality rubber).

Presyo: Depende. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan.

Mga nagsusuot: Mga konyotik at mga mayayaman (na noong una ay nababaduyan sa mga naka-de sipit na tsinelas at sasabihing, “Yuck! So baduy naman nila, naka-slippers lang.”)

Malulupit na katangian at kakayahan:
– Masarap isuot.
– Shock-absorbent
– Malambot ngunit matibay
– Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy
– Maaaring isuot sa loob ng Starbucks
– Mainam na pang-japorms
– Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato
– Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa
– Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan
– Magiging ‘fashionable’ ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy

Olats na mga katangian:
Mahal!
Mahal!
Mahal!

Pangalan: Spartan

Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila , Philippines

Pagbigkas:
spar-tan (American English),
is-par-tan (Filipino).

Materyal na ginamit: Pipitsuging goma (Low-quality rubber).

Presyo: Wala pang 50 pesos.
Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.

Mga nagsusuot: ang masa (gaya-gaya lang ang mga sosyal at pasyonista)

Malulupit na katangian at kakayahan:
– Maaring ipampatay sa ipis
– Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho
– Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan
– Pwedeng ipamalengke
– Mainam gamitin sa tumbang-preso
– Mainam gawing ‘shield’ kapag naglalaro ng espa-espadahan
– Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko
– Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno
– Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi
– Kapag ginupit-gupit nang pahugis ‘cube,’ e maaari mo nang gawing pamato sa larong Bingo na kadalasang makikita sa mga lamay ng patay.

Olats na mga katangian:
– Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang itsura
– Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa
– Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas

[poll id=”2″]

One Comment »

  • Aya Simone said:

    I arrived at this site because i was looking for Spartan slippers by bulk to distribute to the children in Davao . Any idea where i can buy get them . As to Havaianas, I have 2 pairs . Bought it for P800& P1200
    last 2011. Until now am still using it and still in very good condition. Lumaki kaming magkakapatid using spartan slippers and my brother even had spartan shoes at one time. Pag nasa bahay, gamit ko sa pag gagarden ay spartan dahil high light(not flat) ang aking havaianas. Is Havaianas worth it’s price? yes, and i will recommend it too.

    Thanks, Aya

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Be nice. Keep it clean. Stay on topic. No spam.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.

It's simple. ASK | Page copy protected against web site content infringement by Copyscape | We might say yes!
All rights reserved. 2008 | tataypepes.com | Concept by Jasmin Descalzo

Powered by WordPress | Entries (RSS) | Comments (RSS) | Arthemia theme by Michael Jubel