Home » viral emails

A Touching Letter of an Old Mom to Son

7 July 2008 4 CommentsEmail This Post Email This Post

FUNFARE
Philippine Star Newspaper
By Ricardo F. Lo
Appeared on Wednesday, January 2, 2008

Reader Aida del Pilar, a senior citizen, is asking Funfare to reprint a “poem” (actually, a letter) from a mother and father to their child so that she (Mrs. del Pilar) can read it to her own son, nephews and nieces “so they will know how it is to be a senior citizen.”

The letter, written by Rev. Fr. Ariel F. Robles, CWL Spiritual Director of St. Augustine Parish in Baliuag, Bulacan, has been circulating in the Internet. Last Thursday, I heard it being read on dzMM’s afternoon program Showbiz Mismo. Host Cristy Fermin, after saying that the letter was read in an earlier edition of Ted Failon and Korina Sanchez’s Tambalang Failon at Sanchez program on the same station, was so choked with emotion that she asked co-anchor Jobert Sucaldito to read it instead.

Here’s Fr. Roble’s letter as it was in the vernacular:

SULAT NI TATAY AT NANAY

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag-kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako tuwing sisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng bingi, pakiulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo,

katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad. Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang-plaka. Basta pakinggan mo na lang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo ‘yung sasabihin, maghapon kang mangungulit hanggang hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensiyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy-matanda, amoy-lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensiya han mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin ako.Kapag may konti kang panahon, magkuwentuhan naman tayo, kahit sandali lang, inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakuwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kuwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kuwento tungkol sa iyong teddy bear.At kapag dumating ang sandali na ako’y magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensiyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagapalain ka sana … dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina.

4 Comments »

  • annie said:

    It breaks my heart to read this,

    that we often forget our parents, and yet we will ought to be one someday.

    What we did to them might, might and will happen to us.

    The bottom line is to love your parents coz they are our family.

  • dmeemai (author) said:

    Hi Annie: Thank for leaving a note. We feel the same way.

    I was teary eyed when i first read this and I couldn’t help but think of my own parents who I often neglect and appreciate… I should be thanking them everyday I’m alive! It’s because of them I am where i am now and it’s because of them I have a great family.

    I try. I try to be patient and understanding with them as they are now reaching their prime age… Thanks for the note.

  • gensanite said:

    Fourth Commandment: “Honor Thy Father And Thy Mother”…

  • jeca said:

    ano nga ba ang katunayan na mahal mo ang iyong mga magulang? ito ba ay sa pmmmgitan ng pagsbi na mahal na mahal mo sya. O sa pagtanggap kung anong klase cla na naging magulang sau?. sa akin laht ng yun walang katumbas sa pagmamahal nila..

Leave your response!

Add your comment below, or trackback from your own site. You can also subscribe to these comments via RSS.

Be nice. Keep it clean. Stay on topic. No spam.

You can use these tags:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

This is a Gravatar-enabled weblog. To get your own globally-recognized-avatar, please register at Gravatar.

It's simple. ASK | Page copy protected against web site content infringement by Copyscape | We might say yes!
All rights reserved. 2008 | tataypepes.com | Concept by Jasmin Descalzo

Powered by WordPress | Entries (RSS) | Comments (RSS) | Arthemia theme by Michael Jubel